HANDA raw anytime magsimula ng shooting si Joel Lamangan ng mga pelikula once payagan ito.
Ito ang pahayag ng awardwinning director sa panayam ng “Showbiz Talk Ganern” sa DZRH.
Bago ma-implement ang Enhanced Community Quarantine, isa sa mga pelikulang dapat sisimulan na ni Direk Joel ay ang “Pinakahuling Birheng Bakla sa Balat-Lupa.”
Aniya, tatlo ang bida ng pelikula rito at choice niya sina Roderick Paulate, Herbert Bautista at Paolo Ballesteros.
Nang tanungin si Direk Joel kung kinukunsidera niya si BB Gandanghari for the film, sagot nito, “Sino ‘yun?”
‘Kaloka! Hindi pala kilala ni Direk Joel si BBG. Nang sabihan na si BB ay dating si Rustom Padilla, saka lang naalala ito ni Joel.
Hay, naku!
Anyway, ayon kay Direk Joel, kapag puwede na silang magshoot ng pelikula, ang susundin nilang guidelines ay ‘yung inilabas ng InterGuild Alliance (IGA) at hindi ang sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) headed by Liza Diño.
Sey ni Direk Joel, ito raw ang napagkasunduang sundin ng ng Philippine Motion Pictures Producers Association (PMPPA).
Ano kaya ang reaction ng FDCP?
ADJUSTED NA
Sanay na daw sa buhay probinsiya ang Irish boyfriend ni Glaiza de Castro na si David Rainey.
Ito ay matapos abutan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa resthouse ni Glaiza sa Baler, Aurora with her family.
Ayon kay Glaiza, namamalengke at nag-go-grocery na ang BF niya.
In any case, nakagawa rin sila ng kanta together para sa frontliners.