BY REGGEE BONOAN
*
NAKAHARAP kamakailan nina Yeng Constantino, Moi Bien at Moira dela Torre ang kilalang chemist-entrepreneur na si Pinky Tobiano via FB live.
Tinuruan ang tatlo ni Pinky kung paano ang tamang paglinis ng mga gulay at prutas, kasama na rin ang paggawa ng foot bath/ disinfectant at paglinis ng cellphone.
Sabi ni Pinky ang foot bath daw ay kailangan sa mga pamamahay at sa opisina.
“Ang parating sinasabi, wash your hands. Pero ang hindi natin naiisip, how about the feet? Ang paa, pumupunta tayo sa palengke, pupunta sa palikuran, pumupunta tayo sa iba’t-ibang lugar, hindi naman natin nalilinisan.”
Pagdating naman sa paglinis ng gulay at prutas ay puwedeng suka at tubig. “Kailangan na i-mix na mabuti ang one tablespoon ng suka sa isang pitsel ng tubig. Ang suka ay acetic acid. Ang ibig sabihin, meron siyang anti-septic property na nakakapatay ng germs, virus at bacteria.”
Ani Pinky, dapat daw ibabad ang gulay at prutas sa mixture for five minutes at least para “ma-attack ng acetic acid o suka ang germs at bacteria bago hugasan at iluto.”
Kung paano linisin ang cellphone aniya, “Para sa cellphone, ang pinaka-advisable na panglinis is 70% Isopropyl alcohol at kailangan, every night ang paglilinis.
“Disposable tissue rin ang advisable na pamunas at ang pagpupunas, parang number 8, paikot-ikot or circular motion.
“Pagkalinis, ilagay muna sa pinggan ang cellphone at ang case. Maghintay ng ten minutes bago ipasok ang cellphone sa cover o case para siguradong napatay ng alcohol ang virus at germs.”