SI Lea Salonga uli ang headliner sa “Bayanihan Musikahan” na mapapanood live sa Facebook tonight. Makakasama niya sina Erik Santos at Ice Seguerra.
Last April 3 ang unang performance ni Lea sa online benefit concert at nakalikom siya ng P1.7 million then.
Ang beneficiaries ng show ay mga displaced workers sa industriya na apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Para sa mga fans ng tandem ng singer-actress with Aga Muhlach, well, ani Lea, wag na daw umasa.
Invited niya si Aga sa show pero tumanggi daw ito.
Ani pa ni Lea, “OA, ayaw magpakita.”
Marami sa mga fans ang nakiusap kay Aga na mag-appear kahit paano, kahit wag na daw itong kumanta pero as of this writing NR o No Reaction ang aktor.
Well, abang-abang na lang tayo kung magbago ang isip ni Aga.
TULOY PA RIN
Sa mga concerned, tuloy pa rin ang music school (Tempo Primo Academy) na itinayo ng magkapatid na Gabbi at Alex Garcia sa gitna ng ECQ. Online na nga lang ang pagtuturo.
Nagbibigay ng lessons sa drums, violin, piano, voice and guitar ang school. Mostly, kids ang tinuturuan, pero puwede rin ang mga adults.
May music degree si Alex at head teacher siya sa isang school.
GUILTY
Sariling pera ni Heart Evangelista ang ipinapantulong niya sa mga apektado ng ECQ. Hindi siya nagpa-fund-raising.
Governor ng Sorsogon ang mister niyang si Chiz Escudero at iniiwasan ni Heart na magkaroon ng isyu about it.
Mga pagkain, gamot at iba pang pangangailangan ng frontliners ang ibinibigay ni Heart.
Pero hindi lahat ay naaabutan niya ng tulong, kaya nagi-guilty siya.
Ani Heart sa isang interbyu, sana raw ay nakapag-ipon pa siya ng maraming pera, para mas marami pa ang natulungan.