BY REGGEE BONOAN
*
KASALUKUYANG nasa Puerto Galera pa rin ang Queen of Social Media kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby.
Sa mahigit na dalawang buwan nilang pananatili sa nasabing probinsya ay maraming natutunang bagong recipe si Kris katulad na lang ng inihaw na liempong pinakuluan sa Royal.
Aniya, “Ang sarap pala ng liempo na pinakuluan sa Royal (soda) with garlic, paminta and sea salt tapos inihaw.”
Bukod dito, nadiskubre rin niyang mas masarap gawing banana cue ang hinog na saging na saba.
“Ang saba, masarap pag papuntang over ripe na, tapos du’n gagawing banana Q, pero ako, konti lang ‘yung sugar,” kuwento ni Kris.
Hindi kumakain ng pandesal si Kris pero doon, nagustuhan niya ito partnered with peanut butter.
Sey niya, “Ang sarap ng pandesal na binibili sa umaga, malambot at fluffy.”
At ang big reveal ay ang paliligo niya gamit ang pink tabo at Orocan drum.
Kuwento ni Kris, “super refreshing maligo!”
Obvious na bago ang lahat ng experiences na ito kay Tetay at tila napakalayo sa buhay na nakalakhan.