KUMPIRMADO! Kasal na nga lang talaga ang kulang kina Tom Rodriguez at Carla Abellana.
Magkasama na sa iisang bubong ang magkasintahan at for some time now lalo na noong ipinatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Sa kwento ni Carla mismo sa “Showbiz Talk Ganern” sinabi nitong dalawa lang sila ni Tom sa bahay nila. Wala silang kasambahay at sila lang dalawa ang gumagawa ng household chores.
Inamin din ng aktres na minsan ay hindi sila nagkakasundo dala na rin ng pagod. Pero mas tumibay daw ang relasyon nila dahil nasubukan at nakilala nila ang isa’t isa.
Buhay mag-asawa na nga sila ni Tom. Waiting na lang si Carla sa marriage proposal nito na aniya, “Hopefully soon.”
SUWERTE
Suwerte ang pamilya sa isang barangay sa Caloocan City na inalisan ng bubong ng bahay ng kanilang landlady.
Ginawa daw ito ng landlady dahil anim na buwan na silang hindi nakakabayad ng upa.
Isang kapitbahay nila ang nag-upload ng video na kuha habang binabaklas ang bubong ng bahay nila sa social media na swerteng napanood ni Willie Revillame.
Sa “Tutok to Win” segment ng “Wowowin,” tinawagan niya ang kawawang tenant at sinabing sasagutin niya ang renta ng bahay for six months. Nagpadala rin si Willie ng pagkain sa pamilya.
Pati ‘yung kapitbahay na nag-upload ng video nabiyayaan din. Pinadalhan ito ng P20,000 ng sikat na TV host.