PASOK kaya ang wax figure ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Madame Tussauds London?
Sa post kasi sa Instagram ng Pampanga-based designer na si Mak Tumang, ginamit nito ang hashtag na “#offtolondon” sa pag-anunsyo na tapos na niyang gawin ang ni-reproduce na iconic red gown ni Catriona na isunuot nito nang manalo siyang Miss Universe.
“Spot the difference. Exclusive replica for Madame Tussauds #o olondon,” caption ni Mak sa litrato ng original at tila carbon copy ng gown.
Ayon sa ilan, giveaway daw ito na baka sa London idi-display ang wax figure ni Catriona.
Bongga kung sakali, huh!
Take note, bagama’t pumapangalawa lang kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na kauna-unahang Pinay na nagkaroon ng wax figure na gawa ng museo, nakadisplay ang wax figure ni Pia sa Hong Kong branch nito.
Anyway, napa “Omgomgomg,” si Cat sa comment section ni Mak, huh!
Last January pa kinumpirma ng Madame Tussauds ang pagbuo nila ng wax figure ni Catriona.
Early this month, inanunsyo ni Catriona mismo na ito-tour ang kanyang wax figure sa Singapore, Bangkok, at Hong Kong.
Hmmm… saan kaya talaga ilalagak ito?
Samantala, postponed muna ang paghahanap ng pambato ng bansa sa Miss Universe dahil sa ongoing pandemic.
PINAGTIBAY
Mas naging klaro para kay Tom Rodriguez kung sino sa buhay niya si Carla Abellana sa pagsasama nila sa iisang bubong nitong lockdown.
Sa interview kay Tom sa “24 Oras” aniya, “Siya, hindi naggigive up, hindi nagpa-falter and really willing to work it out at support me. Mas nagiging klaro sa akin na siya na pala talaga.”
Yun na!