Timing by Rowena Agilada
*
NA-HOOK na ring manood ng K-dramas si Marian Rivera since pinairal ang quarantine.
Big faney siya ni Hyun Bin, bida sa “Crash Landing On You.”
Excited si Marian sa balitang darating sa Pilipinas ang Korean actor na kinuha as latest endorser ng isang local clothing brand.
Ayon sa owner nito, kapag safe nang bumiyahe sa Pilipinas ay pupunta si Hyun para sa promotion ng clothing brand.
Anyway, dahil sa more than two months na lockdown, mas nakilala nina Dingdong Dantes at Marian ang isa’t isa.
Sa madalas nilang pag-uusap, mas lalo siyang nai-in love sa kanyang wifey, ayon kay Dingdong.
Bonding-to-the max sila ng mga anak nilang sina Zia at Ziggy. Natuto rin si Dingdong gumawa ng pandesal habang naka-lockdown.
BALIK-OPERASYON
Bukas na uli ang restaurant nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa Taft Avenue, Manila. Pero limitado lang sa take-outs at deliveries.
Ang staff ang unang inalala ni Juday noong nagsara ang dalawang branches ng kanilang restaurant dahil sa ongoing pandemic.
Para makatulong sa kanyang staff, ipinauwi ni Juday ang lahat ng supplies nila para may makain ang mga ito habang naka quarantine.
Ani Juday, hanggang maaari’y ayaw nilang magtanggal ng mga tauhan dahil
alam niya ang hirap mawalan ng trabaho.
AYUDA
Umabot na sa P9 million in cash and in kind ang natanggap na donation ng I
Am Hope Foundation ni Bea Alonzo.
Si Vhong at Rina Navarro ang mga katulong ni Bea sa pamamahala ng IAHF.
Bukod sa relief goods na ayuda sa mga apektado ng kasalukuyang krisis, mamamahagi rin sila ng test kits.