BY RUEL MENDOZA
*
HALOS abutan na raw ng pag-sikat ng araw bago dalawin ng antok si Rhian Ramos magmula nang ipatupad ang quarantine.
“Hirap na hirap akong matulog. Pa-late nang pa-late hanggang pinapanood ko muna ‘yung sunrise bago ako matulog,” kuwento ng seksing aktres.
Dagdag pa ni Rhian, noong una ay excited pa siya dahil nagkaroon siya ng free time para sa sarili.
Sa paglipas ng panahon ay naisipan ni Rhian na gumawa ng schedule para mas
productive ang kanyang mga araw.
Tigil muna sa taping ang serye niyang “Love of my Life,” pero kasalukuyang napapanood si Rhian sa rerun ng “Stairway to Heaven” sa GMA 7.