HANDA na daw magbalik-taping ang buong cast and crew ng “FPJ’s Ang Probinsiyano.”
Ito ay kahit hindi pa naaayos ang issue about ABS-CBN’s franchise renewal na patuloy na nakabinbin sa Kongreso.
Diumano, sa resort sa Batangas na pag-aari ng pamilya Prats nakatakda ang taping.
Bahagi ng AP si John Prats at safe raw mag-taping sa kanilang resort.
Handa na ang safety protocols ng Kapamilya Network para sa protection ng mga artista at production staff. Limitado ang mga tao sa set na hindi lalampas sa 70 katao.
Sa hotel o bahay na malapit sa location area ila-lockdown ang cast members for five weeks.
Nag-beg-off si Susan Roces na mag-taping para sa show dahil priority niya ang kanyang health. Ayaw pa niyang lumabas ng bahay hanggang wala pang
natutuklasang vaccine o gamot laban sa COVID-19.
Well, understandable dahil senior citizen na si Susan at delikado sa mga tulad niya ang lumabas ng bahay.
BAGONG HOBBY
May nadiskubreng bagong hobby si Bea Alonzo nitong may quarantine.
Sinubukan niyang magpinta para hindi siya mainip sa bahay. Mga halaman ang subject ni Bea.
Ni-like ni Angel Locsin at Rina Navarro (partner ni Bea sa I Am Hope Foundation) ang painting ni Bea.
Take note, may mga interesado nang bumili ng kanyang painting.
FUNNY
May gimik ang cast ng “Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday” habang hindi pa regular napapanood ang serye sa GMA7 dahil sa quarantine.
Four Mondays nitong June mapapanood ito sa official socmed accounts ng GMA at 8 pm.
Unang napanood ang vlog ni Barbie Forteza noong Lunes, ang “My First Solo Vlog! Sorry Vlog for my Sishie.”
Sa June 8 ang vlog ni Kate Valdez na “My Reaction to My(snake) Friend Apology! Plus Tips on How to Spot that (snake)
Friend.”
Sa June 15 ang kay Benedict Cua at sa June 22 ang kay Mico Adecer.