By Reggee Bonoan
*
Masaya si Aiko Melendez sa resulta ng pagpapayat niya kaya panay ang post niya ng mga litrato niya sa social media.
Kaya lang may mga hindi masaya sa pagpapayat niya at binabash siya. Kesyo edited daw ang mga photo.
Himutok ng aktres sa kanyang FB page, “I really don’t understand anymore why some people can’t be happy, when someone’s just achieved her goal.
“Nu’ng mataba ako sabi nyo mukha akong nanay now naman inedit ko (mga kuha ko). Hindi ba pwedeng I worked hard for it? Hindi ba puwedeng I have gone through pain and sacrifices just
to achieve my weight now? C’mon
give me a break.”
Inamin ni Aiko na nag-calorie counting siya to achieve her new look.
Nag-Theobroma din daw siya. Hindi niya rin tinago na nag-undergo siya ng procedure sa kamay ng sikat na surgeon na si Dr. Eric Yapjuangco.
Paglilinaw niya, “Envy doesn’t lead you anywhere. Just be happy. Like I am happy… This is my body! I am accountable to myself and no one else.”