HIT na hit sa netizens ang kulitan at baliwan nina Maine Mendoza at Ken Chan na live napanood sa Facebook last Saturday courtesy of Triple AAA management.
Palibhasa dati nang magkakilala noong nag-aaral pa sila pareho sa isang school sa Manila, at home na at home sa isa’t isa ang dalawa.
Nagpakitaan ng talampakan at hagikhikan nang hagikhikan ang dalawa na para bang walang nanonood sa kanila, huh!
Bahagi ng tweet ni Meng, “Sana nag-enjoy kayo kasi nag-enjoy kami ni Ken– halatang-halata naman! Take care everyone!”
Sa totoo lang, bitin ang fans sa kulitan ng dalawa. May mga hu-mirit na magkaroon ng part 2 ito, huh! Pagbigyan kaya nila?
Bentang-benta
Number one na rin online ang “24 Oras” ng GMA 7.
Last May 11 nagsimula ang live streaming ng news program sa
YouTube at Facebook at bentang-benta ito sa netizens sa araw-araw!
Ibig sabihin nito, ang “24 Oras” ang top choice ng publiko sa paghahatid ng balitang walang kinikilingan at walang pinuprotektahan.
Well, hindi kataka-taka, huh! Ilang beses na rin kasing napatunayan ng “24 Oras” ang kredibilidad nito.