Hi Ms. Rica,
Hindi nagre-reach ng orgasm yung boyfriend ko. May erection po pero yung orgasm talaga problema. Kahit ano po ang gawin ko, ayaw.
No Reach
Hi No Reach,
Maniwala ka man o hindi, maraming nakakaexperience ng ganyang issue in their sex lives. Alam kong nakaka-frustrate ito hindi lamang sa perspective mo kung hindi sa perspective din ng iyong partner.
Merong iba’t ibang approach para sa ganitong mga issue depende sa reason
kung bakit sya nag-ooccur.
Kapag matagal mag orgasm ang isang lalaki, tinatawag itong DE or delayed
ejaculation. Umaabot minsan ng 30 to 45 minutes bago mag ejaculate kapag may ganitong condition.
Merong mga times na ang mga individuals na ito ay hindi na nakakaexperience ng ejaculation at all.
Minsan, may factor din na psychological lalo na kung may anxiety na or pressure to perform well during sex.
I can suggest some methods para mabigyan ng attention kung ano man ang bumabagabag sa kanya. Isa dito ang pagco-condition through masturbation. Importante ito para malaman nya kung paano ang kanyang preferences and
what works for him to come.
Always keep the communication open between you guys when it comes to sex.
Kailangan mabawasan ang kanyang performance anxiety or low self-esteem kung nararamdaman nya ito. Relax and chill lang din siguro dahil minsan iba talaga ang sexual expectations from reality.
Kailangan nyo din i-check if may ibang factors ba kagaya ng age or iba pang medical condition na maaaring nakakaapekto sa kanyang hindi pag ejaculate. May mga gamot kasi na nakakaapekto sa orgasm. For this, I suggest you go to your doctor or medical
professional para macheck ng mabuti at makapagbigay ng karampatang lunas.
Keep on exploring what works for you and your partner. Bago pa lang naman kayo together so give it time it can get better with constant communication. Be safe in more ways than one!
With Love and Lust,
Rica
******
Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Sex and Relationships Therapist, and Sex Educator. Follow her at facebook.com/TheSexyMind and @_ricacruz in Twitter and IG.