ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
•
Hi Alex,
May motor ako at medyo may problema kami ni misis. Hindi kami puwedeng magsabay sa motordahil bawal. Isa lang at bawal ang angkas. Bawal daw kasi social distancing. Medyo malabo kasi magkatabi naman kami sa kama at anong kapag sa motor. Kapag nag motor naman ako at nag-commute si misis, parang delikado, kasi mas mataas ang
chance niya na mahawa sa mga makakasabay niya. Saka sayang sa pamasahe. Kapag dalawa naman kami, delikado rin at sayang lalo sa pamasahe. Ano bang gagawin ko Tito Alex?
Jojo ng Marikina
Hi Jojo,
Malaking problema talaga ‘yan. Pero ‘wag kang mag-alala, may naisip na ako na paraan. Turuan mo magmotor si misis. Kapag natuto na, pag-alis niyo sa bahay, siya muna ang mag-motor tapos ikaw naman maglakad. Hihintayin ka
niya after one kilometer. Magpapalitan kayo, ikaw naman mag-motor at siya naman maglakad. Salitan lang kayo hanggang makarating kayo sa mga trabaho niyo. Tipid na, exercise pa. Smart di ba?!
•
Hi Alex,
Mukhang papasa na ang anti-terror bill dahil ang bilis ng kilos nito sa Kongreso. Medyo maraming nagrereact na negetibo dito dahil baka raw parang martial law. Natatakot na tuloy ako dito sa bansa natin. Ano ang masasabi mo Tito Alex?
Coco ng Taguig
Hi Coco,
Okay lang ‘yan! Mas pabor sa atin ‘yan. Lalo na sa mga mister na may mga terror na misis. ‘Yan ang batas para sa
atin, anti-terror bill!
•
Hi Alex,
Lumusot na sa Kamara ang panukalang taasan ang election campaign expenses limit. Ang alam ko, ang ibig sabihin nito eh mas madaming gagastusin ang bawat
kandidato sa darating na eleksyon. Bakit mabilis naipasa ito?
Chona ng Sta. Cruz
Hi Chona,
Nagtataka ka pa eh siyempre, ang nagpasa mga politiko, at ang makikinabang mga politiko rin! Ikaw naman! Saka ‘wag kang mag-alala, mapupunta din sa atin ‘yun kapag nagkaroon ng vote-buying o kaya kapag
kumuha ng mga watcher ang bawat kandidato. Piyesta na naman sa darating na eleksyon! Kung makakalagpas tayo dito sa COVID-19! Abangan!
•
Sa gustong magtanong sa akin,email lang kayo: alexcalleja1007@
yahoo.com or facebook/twitter/instagram:
alexcalleja1007.