NAKA-CONFINE pa rin sa St. Luke’s Hospital ang award-winning na komedyanteng si Joey Paras.
Naospital ito dahil sa sakit sa puso at hindi dahil sa COVID-19.
Sa katunayan ay negative siya sa naturang virus.
Post pa niya sa Instagram: “I tested NEGATIVE sa COVID19 TESTING! Praise God! Para akong nanalo ng AWARD!!! Now, this makes me HAPPY! Edema and Heart Failure, tayo naman ang magtutuos! ”
Kung matatandaan ay dumaan sa kanyang ikalawang heart surgery si Joey noong 2018.
Una siyang dumaan sa Angioplasty procedure noong 2016.
Ngayon ay humihingi ng tulong ang pamilya at mga kaibigan ni Joey para sa mga gastusin nito sa ospital.
Heto ang post ni Joey sa IG:
“Please Help. Any Amount Will Do. BPI FAMILY SAVINGS BANK, Pasay Road, Makati City Branch, PHILIPPINES
JOSEPH ESTRADA PARAS Current Account Number: 6745-0178-92 and/or JOSEPH ESTRADA PARAS
SM MOLINO CAVITE BRANCH ️BDO ACCOUNT NUMBER Savings Account 000901023930”
Huling regular show ni Joey ay ang GMA Sunday variety show na “Sunday PinaSaya” na pinalitan ng “All Out Sundays.”
Nagbida sa pelikulang “Bekikang: Ang Nanay Kong Beki” si Joey noong 2013.
Nanalo ng acting award si Joey mula sa Cinemalaya Independent Film Festival 2013 as Best Supporting Actor for New Breed Category for the film “Babagwa.” (Ruel Mendoza)