BY RICA CRUZ
*
Hi Ms. Rica,
Ask ko lang po about sa inverted na nipple since nagdalaga po ako dumating po kasi ‘yung time na napansin ko nga po na lubog po ‘yung isang nipple ko normal lang po ba ‘yun? Isa pa pong napansin ko ay minsan, nangangati po ung nipple ko at may amoy po siya. Ano po kaya ito?
Pinnle
Hi Pinnle,
Normal lang magkaroon ng inverted nipples puwede ito maging permanent or temporary depende sa iyong katawan. Wala namang medical problems na associated sa pagkakaroon ng inverted nipples. Pero may mga babaeng nahihirapan mag-breast feed kapag may inverted nipples dahil hindi maka latch nang maayos ang baby. Pero hindi naman lahat ay nakakaranas nito.
Ang mas nakaka-alarma sa iyong sitwasyon ay ang pagkakaroon mo ng makati at may amoy na nipple. Puwede kasing maging signal ito ng infection o iba pang medical condition katulad ng allergy, dermatitis, galactorrhea, o di kaya ay cancer. Mas makakatulong kung ikaw ay magpunta agad sa doktor para makapagpa-check up.
Maiging naliligo ka nang madalas. Pero puwede ring sanhi ng pagkati ang sabon na iyong ginagamit lalo na kung mayroon itong harmful chemicals. Puwede ring maging dahilan ang sabong panlaba na iyong ginagamit. Makakabuti rin kung ikaw ay madalas na magpalit ng iyong bra para hindi ito tinutubuan ng bacteria.
Dahil hindi tayo sigurado kung ano talaga ang iyong nararamdaman, mas importanteng magpatingin ka agad sa doctor para hindi ito lumala pa. Good luck!
With love and lust,
Rica
* * *
Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Sex and Relationships Therapist, Sex Educator. She opines that sexual empowerment for Filipinos is sexier than sex.
Follow her at facebook.com/TheSexyMind and facebook.com/ConservativeAko and @_ricacruz in Twitter and IG and subscribe to her podcast, bit.ly/conservativeako on Spotify. Join the Conservative Ako Community on Facebook for more advise on sex and love!