BY ROWENA AGILADA
*
ANYTIME soon ay magbabalik na sa live airing ang longest running noontime show ng bansa, ang “Eat Bulaga.”
Pero hindi dapat ma-excite ang mga gustong manood sa studio. Hindi pa rin magpapapasok ng live audience doon for safety reasons.
Of course, dahil nga sa banta ng mapamuksang COVID-19 na hanggang ngayon ay tuloy-tuloy ang pagpapapansin.
Anyway, abangan ang bagong segment ng “Eat Bulaga” na, “Cash Landing On You.”
Obviously, inspired ang titulo ng sikat na K-drama na “Crash Landing On You.”
Balik-TV
Good news naman sa avid supporters ng ABS-CBN shows. Magbabalik na rin ang mga paborito nilang palabas sa Kapamilya Channel na available sa Sky Cable, Cablelink, at G Sat.
Kasama rito ang “Ang Probinsiyano,” “Love Thy Woman,” at “A Soldier’s Heart.”
Magbabalik-ere rin sa same channel ang “It’s Showtime,” “ASAP Natin ‘To,” “Magandang Buhay” at “The Voice Teens.”
Natawa
Samantala, natawa lang si Andrea sa big reveal ni Megan Young na diumano’y pinagselosan siya nito noong nakatrabaho niya si Mikael Daez sa ilang GMA series.
Wala naman daw issue kasi that time pareho silang taken ni Mikael.
Kung tama kami, si Sef Cadayona ang boyfriend noon ni Andrea.