BY JUN NARDO
*
NA-LOCKDOWN na ang puso ni Mark Herras!
Yes, engaged to be married na nga ang Kapuso actor sa kanyang girlfriend na si Nicole Donesa.
Cute ang proposal ng binata, huh!
Inilagay nito ang engagement ring sa loob ng lata ng ice cream.
Siyempre pa hindi magkamayaw sa tuwa si Nicole nang buksan ito at tumambad sa harapan niya ang sorpresa ng boyfie!
Ibinida naman ni Mark sa kanyang Instagram ang litrato ni Nicole na suot ang singsing.
Caption ng unang winner ng Kapuso reality artista search na “Starstruck” dito, “Ang mahalin ka at makasama ka habang buhay…I love you itchybear.”
Si Nicole ay isa sa artista sa Kapuso series na “Descendants of the Sun” kung saan bida ang dati ring naging girlfriend ni Mark na si Jennylyn Mercado.
Si Nicole ang humalili sa puso ni Mark nang maghiwalay sila ni Winwyn Marquez.
Ilan sa mga nagbunying artista dahil finally nakakita ng “The One” si Mark ay sina Carla Abellana, Bea Binene, Joyce Ching, Iza Calazado, Jak Roberto, Mike Tan at iba pa.
Saad naman ni Nicole sa IG post niya ng picture ng singsing sa ibabaw ng ice cream, “Just when I thought the world is ending, a miracle happened. Life is beautiful and short blessing, and I can’t wait to spend the rest of my life with you.”