BY REGGEE BONOAN
*
PINASALAMATAN ni Robin Padilla ang ABS-CBN via social media kamakailan dahil binayaran daw nito ang kulang sa kanyang kontrata.
Dahil daw dito ay namahagi siya ng “tone-toneladang bigas” sa iba’t ibang lugar.
Aniya, “Binayaran ng ABS-CBN ang kulang nila sa na expired na kontrata ko at mula sa halaga na ito ay tone-toneladang bigas ang naipamahagi ko sa iba’t ibang lugar.”
Thankful ang aktor at “Nagawa ko ang aking obligasyon na kawanggawa sa buwan ng Ramadan hindi lamang sa mga Muslim kundi pati sa mga Kristiano.”
Nakatanggap din ng buong bayad mula sa San Miguel Corporation ang aktor kahit na hindi pa tapos ang kontrata niya dito.
Dahil nga daw dito ay makapagbayad na siya ng tax ngayong Mayo.