BY JUN NARDO
*
UMERE na nang live noong Lunes ang longest-running noontime show sa bansa ang, “Eat Bulaga!”
Naunahan nga nito ang katapat na programang “It’s Showtime.”
Maganda ang mga pagbabago sa show. Hati-hati sa lokasyon ang “EB” Dabarkads.
Nasa APT Studios sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Maine Mendoza at Alden Richards.
Take note, may social distancing, huh! Layu-layo ang blocking ng mga hosts!
Broadcast from home naman ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto.
Ganoon din sina Joey de Leon, Ryan Agoncillo, Pia Guanio, Baby Baste at Ryza Mae Dizon.
Aliw na napa-Tiktok si Vic kasama ang asawang si Poleng.
May mga staff na kasama sa live show na nakasuot ng PPE with matching face shield.
Ayon kay Jose, merong doctor at nurse sa loob ng studio para mag-assist sa kanila.
Siyempre pa, tuloy pa rin ang pagtulong nila sa mga manonood lalo na ‘yung nangangailangan sa segment nilang, “Ang Kabuhayan Ni Juan.
By the way, sa mga hindi nakakaalam, huwag po tayong sumugod sa APT Studios, huh! Bawal pa ho ang live audience doon sa ngayon.