BY ROWENA AGILADA
*
MAY follow-up project sana sina Joshua Garcia at Janella Salvador after “The Killer Bride” pero naudlot ito.
Inisip na lang ni Joshua na hindi talaga para sa kanila ni Janella ang project. Baka daw may iba pang mas magandang proyektong nakalaan para sa kanila.
Three months nang hindi lumalabas ng bahay si Joshua dahil sa quarantine.
Sa ngayon ay naka-focus lang siya sa sarili. He has more time for himself at na-realize ni Joshua na kailangan niyang pangalagaan ang kanyang kalusugan.
Dati ay wala siyang pakialam. Work lang siya nang work. Hindi rin siya umiinom ng vitamins. Ngayon alam na niya kung gaano kaimportante ang kalusugan.
MATAPANG
Pagalitan kaya ni Pilita Corrales ang apo niyang si Janine Gutierrez dahil sa patutsada nito kay Congresswoman Vilma Santos-Recto kaugnay ng pahayag nito sa Anti-Terror Bill?
Napagalitan na noon ni Pilita ang apo nang mag-comment ito ng hindi maganda sa pagbabalik-TV ni Senator Bong Revilla.
Ipinagtanggol si Janine ng kanyang Mommy Lotlot de Leon to the point na nagpakawala pa ito ng mga salita laban kay Pilita.
Buti na lang, hindi na pinalaki ni Pilita ang isyu.
In any case, obvious na matapang si Janine sa paghayag ng saloobin.