BY RUEL MENDOZA
*
SA Hong Kong pala nag-spend ng quarantine ang Kapuso hunk na si Migo Adecer.
Isang araw kasi bago magsimula ang ECQ sa buong Luzon ay nakapag-book ito ng flight patungong Hong Kong.
Kasama niya sa biyahe ang non-showbiz girlfriend na si Katrina Mercado.
Mag-isa lang sa Pilipinas ang binata. Nasa Australia ang kanyang buong pamilya.
Nag-aalala rin si Migo sa kalagayan ng kanyang pamilya roon kaya madalas daw silang mag-usap gamit ang video call.
“I’ve been away from my parents matagal na but I guess when it comes to stressful situations like this, I miss them a little bit more.
“Thank God nandito tayo sa generation na may apps na tayo that we can keep in touch with our family, so I give them a call.”
Mapapanood si Migo kasama sina Barbie Forteza, Kate Valdez, at Benedict Cua sa masasaya at relatable vlogs tuwing Lunes, sa official social media pages ng GMA Network.