BY REGGEE BONOAN
*
HINDI lang pang-romansa, pang-comedy pa!
Ito ang nabuking ng mga netizens sa aktor na si Tony Labrusca sa kasagsagan ng quarantine kung saan nagging abala ito sa paggawa ng Tiktok videos.
Sa mahigit dalawang buwang quarantine ay hindi gaanong naglalabas ng bahay si Tony Labrusca dahil nag-iingat siya hindi lang para sa sarili kung hindi pati na rin sa mga kasama niya sa bahay.
Hindi inaasahan ng aktor na aani ng 12 million views ang isa sa Tiktok challenge na ginawa nila ng yaya niya.
Samantala, ngayong balik tapings/shootings na sa showbiz ay nakatakdang mag-shoot si Tony ng mini-series handog ng Black Sheep na siya ang bida.
As of now ay wala pang titulo ang mini-series na ito ni Tony at hindi rin sa iWant to ipalalabas, sabi ng manager niyang si Mario Colmenares.
Anito, “Magugulat ka sa bagong series at kung saan ito ipalalabas.”
As of now ay wala pang leading lady si Tony dahil nagpapa-audition pa ang direktor na si Perersen Vargas.
Nakagawa si Tony ng isang digital movie na “Love Lockdown” na ipinalabas sa iWant kamakailan lang.