BY REGGEE BONOAN
*
“TITA lalong pinalungkot ng pagpanaw mo ang araw na ito. Ma-miss ka namin nila Direk Adolfo Borinaga Alix Jr., naming lahat, grabe. Dami nating pinagsamahan. Rest in peace, Tita Anita Linda…”
Ito ang caption ni Rosanna Roces sa pinost niyang larawan ng namayapang aktres.
Ayon kay Rosanna, halos lahat ng indie films na nagawa niya ay kasama niya ang batikang aktres.
“Halos lahat ng movie ni Adolf nandu’n kami,” kuwento pa ni Rosanna.
“Sa ‘Presa’ kami naging close talaga. Lahat kami doon umani ng award pero kami lang nagka-Urian,” dagdag pa niya.
Maraming baong alaala si Osang kay Anita.
Nandun na yung minsan ay inaya siya ni Anita na mag-walk-out sa shooting ng “Presa.”
“Inabot ng 4AM ang shoot sabi n’ya talaga sa akin, ‘Rosanna, mag alburoto ka na tapos mag-walk out ka kasunod mo ako gusto ko na umuwi!’ Natawa lang ako di kasi p’wede nasa Correctional kami.”
Naobserbahan rin niya kung paano sumama ang loob ng beterana.
“Sa ‘Padre de Familia’ movie, nu’ng lumapit yung AD (assistant director), nagbingi-bingihan s’ya. Ganun ginagawa niya pag ayaw niya ang kausap niya.”
“Siya rin nagsabi sa akin na mag-produce kaya nagawa ang ‘Guro.’ Syempre sinama ko siya roon.”
Ang huling pelikula nina Rosanna at Anita na magkasama ay ang “Circa.”
“That time, mahina na talaga ang pandinig n’ya, hindi na rin nakakalakad,” kuwento ni Osang.