BY DANTE LAGANA
*
AKTIBO sa Twitter ang aktres na si Lauren Young, nakababatang kapatid ni Megan Young.
Lahat ng issues at mga nangyayari sa kapaligiran ay tiyak na mayroon siyang itini-tweet. Yun nga lang huwag mong subukan magsabi ng anything against her dahil siguradong papatulan ka niya lalo na kapag ang pinansin mo ay ang kanyang katabaan.
Kamakailan lang idinaan ni Lauren sa tweet ang reaction niya sa video na nakita niya sa social media influencer na si DJ Loonyo na may sinasabi about wearing a face mask.
Tweet ni Lauren, “OMG. I just saw this!! Ang bobo s**t ang bobo. Flatearther ka rin ba koyah?”
Okay na sana pero nagkataon na may fan ng DJ na nag-react at sinabing, “Wow look who’s talking? Ikaw nga MATABA.”
Birada agad ni Lauren, “Masama na pala maging mataba ngayon.”
Sinundan pa niya ito ng, “Oo mataba ako! Ano ngayon??? Did I make statements that could possibly influence my followers to think the wrong way because I had incorrect information while oozing with confidence? NO. Tse. Kainin ko kayo eh.”
Diin pa niya, “Body shaming is so 2019. Read a f**king book and grow up people.”
Nakahanap naman ng kakampi si Lauren sa isang netizen.
Sabi nito, “Dear what’s important is yung katabaan ng utak mo to understand the situation and katabaan ng courage mo to speak up. Hindi lahat mataba eh matapang. Laban gurl!”
Marami pa ang bumatikos kay Lauren.
Ang isa kesyo laos na siya.
Sagot niya, “HINDI KO PO GUSTO SUMIKAT. I act because it pays my bills not because I crave for your f**king approval.”
Hirit pa ng isa, “Artista ka pa naman.”
Walang kagatol-gatol na sagot ni Lauren: “So magbabait-baitan ako? Wala akong opinyon dapat?”
At sa nagsabing nagpapapansin lang siya sa DJ, ani Lauren, “Porket babae ako crush ko siya? ASA KAYO.”
Yun na!