BY RUEL MENDOZA
*
ANG mga pedicab drivers sa Intramuros ang nais bigyan tulong ng Kapuso singer na si Aicelle Santos.
Ibinunyag niya ito sa kanyang post sa Instagram, kung saan sinabi niyang nagsimula siya ng isang fundraiser para sa mga pedicab drivers na nawalan ng kabuhayan noong magkaroon ng quarantine.
Karamihan raw sa mga pedicab drivers na ito ay may pamilya na dapat buhayin.
Hindi rin daw sigurado kung makakapagbiyahe na sila agad sa ilalim ng GCQ o General Community Quarantine dahil marami silang kailangang sundin na guidelines tulad sa paglagay ng plastic sa kanilang pedicabs at ang pag-provide ng alcohol o hand sanitizers sa mga magiging pasahero nila. Kasama na ang pag-disinfect nila ng kanilang pedicabs.
Ang mare-raise na funds ni Aicelle ay ibibili nila ng relief goods tulad ng rice, milk, coffee, noodles, biscuits, at canned goods.
“Tulong para sa ating mga kapatid na pedicab drivers,” ang maikling panawagan ni Aicelle.
Patuloy din na sumasali at nakikibahagi si Aicelle sa mga online concert para maka-raise ng funds sa marami pang nangangailangan ng tulong sa gitna ng ongonig na pandemic.