BY JUN NARDO
MAHIGIT tatlong libong pamilya sa San Juan City ang hinatiran ng relief goods ng director na si Enzo Williams kamakailan.
Ang adbokasiya ay naisakatuparan sa tulong na donasyon ng Asian Development Bank through the assistance of Colonels Pat Armata and Arvin Lagamon of the Philippine Army.
Hindi ito ang unang collaboration ni Enzo with the Phillipine Army.
Bago ito, gumawa ang direktor at ang Philippine Army ng dokumentaryo, ang “Bayan Bayanihan” na nakatulong naman sa 165,000 na pamilya.
Isang future reservist, aktibong nakikipagtulungan sa ngayon si Direk Enzo sa Philippine Army sa re-launching ng “Your Philippine Army” YouTube channel.
Si Enzo ay nakilala sa local film industry nang idirek niya ang pelikulang “Bonifacio: Ang Unang Pangulo” na pinagbidahan ni Robin Padilla. Nanalo siya ng FAMAS as Best Director sa obrang ito.
Isa rin si Enzo sa regular directors ng “FPJ’s Ang Probinsyano.”
*
ABULOY
P100,000 ang halaga ng perang ibinigay ni Willie Revillame para sa naiwang apat na anak ni Michelle Silvertino.
Si Michelle ay namatay habang naghihintay ng bus pauwing Bicol.
Na-stranded siya sa isang footbridge sa Pasay City.
Na-feature ang nangyari sa kanya sa “24 Oras” at ipinalabas ‘yon muli ni Willie sa show niyang “Tutok To Win.”
Nadurog ang puso ni Willie sa sinapit ni Michelle kaya naman nang makausap niya ang kapatid na babae nito, ay agad siyang nagbigay ayuda para sa mga anak nito.