BY RUEL MENDOZA
*
ISANG buwan pa lang ang kasal nila Juancho Trivino at Joyce Pring noong March 9 nang biglang magkaroon ng lockdown sa buong Luzon.
Kaya lahat daw ng plano nilang magbiyahe for their honeymoon ay nakansela lahat at nag-quarantine sila sa nilipatan nilang condo.
Sa higit na tatlong buwan na quarantine, mas nakilala raw nila Juancho at Joyce ang isa’t isa. Araw-araw ay magkasama sila at hindi raw sila nawawalan ng pag-uusapan.
Sa kanilang YouTube video, sinabi nila ang dahilan kung bakit sila nagpakasal agad kahit na wala pang one year ang kanilang relasyon bilang magsyota.
“In the beginning of our relationship before I let Juancho court me, I actually told him that I want to get married with the person I’m going to be with the next time. So if I’m going to have a boyfriend, I want to see that person as someone that I will marry,” sey ni Joyce.
Wala naman daw pagtanggi rito si Juancho at nagpasalamat ito kay Joyce sa pagtanggap sa kanya bilang parte ng buhay niya.
“Joyce was the first person who accepted me for who I am, for what I have, and for what I can give in a relationship. She accepted me as a person. She loves my friends and family, first ko nakakita na sobrang bilis na maka-click with other people. I love that about her dahil ramdam ko talaga ‘yung genuine love niya and acceptance, not only to me but sa pamilya ko rin, sa mga kaibigan ko.”
Malaking challenge daw sa newlyweds ang pagkakaroon ng lockdown dahil kapwa nasanay silang may busy na schedule.
Pero ang pagdarasal daw ang naging epektibong paraan nila para ma-survive nila ang bawat araw na dumaan.