BY ROWENA AGILADA
*
APAT na pelikula dapat ang gagawin ni Piolo Pascual this year. Naudlot ang mga ito dahil sa COVID-19 pandemic.
Magsu-shoot din sana siya ng isang episode para sa isang ABS-CBN special sa New York. May concert tour din sana ang Kapamilya actor. Ang dami niyang bookings na naka-pending.
Excited na nga raw siya magbalik-trabaho. Looking forward na siya at feeling daw niya’y parang newbie actor siya.
NAUDLOT DIN
Dalawang pelikula naman ang dapat sana’y gagawin ni Aiko Melendez kung hindi nagkaroon ng pandemic. Ang
isa’y reunion project nila sana ng mga kaibigang sina Ruffa Gutierrez, Carmina Villarroel at Gelli de Belen.
Si Aiko and her partner, Zambales Vice Governor Jay Khonghun, ang producers ng
proyekto na nakatakda na saana ang shooting nguni’t bigla naman pinairal ang Enhanced Community Quarantine.
Sa interbyu niya sa “Showbiz Talk Ganern,” sinabi ni Aiko na si Jay mismo ang nag-push sa kanya na mag-produce sila ng pelikula.
Nabanggit din ng aktres na hopefully soon ay magre-resume na sila ng taping ng “Prima Donnas.”
Inaayos lang daw ng GMA7 ang mga gagawing safety measures bago sila magsimula.
LAGING HANDA
Handang tumulong si Rocco Nacino at mga kaibigan sa mga stranded passengers sa NAIA airport Terminal 3 na hindi pa makauwi sa kani-kanilang probinsiya.
Kukupkupin muna nila ang mga ito at magpo-provide ng pansamantalang matutuluyan.
Napanood ni Rocco sa TV ang dinaranas ng mga stranded passengers, kaya gusto niyang tulungan ang mga ito.