BY ROWENA AGILADA
*
MAY bagong intriga na naman kay Angel Locsin. Inaakusahan ito na diumano, may DOM (Dirty Old Man) na benefactor. Dahilan nga daw kung bakit marami itong pondo pang-ayuda sa mga nangangailangan sa gitna ng iba’t-ibang krisis.
Wow! Tumutulong na, iniintriga pa!
Kamakailan inamin ni Angel na narinig na nga daw niya ang tsismis na ito.
Hindi lang daw iyon, may paratang pang supporter siya ng New People’s Army (NPA).
Another intriga pa is her supposed plan to enter politics.
Mariing itinanggi ni Angel ang lahat ng akusasyon.
So there!
TAHIMIK LANG
Tumutulong din ang nag-iisang Superstar ng bansa na si Nora Aunor sa mga nangangailangan sa gitna ng pandemic.
Hindi lang talaga hilig ni Guy ang ipangalandakan ang pagiging Good Samaritan niya.
Ang totoo, iba’t-ibang barangays na ang napadalhan niya ng food packs.
Binigyan pa nga nito ng financial assistance ang mga katrabaho sa “Bilangin ang Bituin sa Langit.”
Natengga kasi ang taping nila at walang natatanggap na talent fee ang co-stars niya at ang production staff.
Nitong huli nman, nagpadala si La Aunor ng food packs para sa mga stranded OFW’s sa Villamor Air Base, Villamor Elementary School at sa Baclaran.
Ang die-hard Noranians ay sumali rin. Ginaya ang idolo at namahagi rin ng food packs.
Noong sumabog ang bulkang Taal, nagpadala rin ng tulong si La Aunor.
O, who says wala siyang ginagawa?
HAPPY HEART
May bagong nagpapakilig kay KC Concepcion. Pero ayaw pa niyang i-reveal ang identity ng kanyang bagong inspirasyon.
Aniya, sasabihin niya sa tamang panahon.
Nakaanim nang boyfriends si KC kasama na sina Rico Blanco, Lino Cayetano, Piolo Pascual, Paulo Avelino, Aly Borromeo at Pierre Emmanuel Plassart.