BY RUEL MENDOZA
*
UMANI ng higit 1.5 million views ang video na pinost ni Anne Curtis sa Instagram kung saan makikitang inaawitan nito ng “Twinkle, Twinkle Little Star” ang baby nila ni Erwan Heussaff na si Dahlia.
Tuwang-tuwa sa boses ng nanay niya ang bata.
Well, tila gumanda rin kasi ang singing voice ni Anne.
Mukhang ngang hiyang sa kanya ang pagiging nanay.
Sobrang busy si Anne sa anak. Ayaw nitong palagpasin ang kahit anong pagkakataon lalo na nga’t marami na raw itong nakakaaliw na ginagawa.
Caption ni Anne sa video: “One of our favorite things to do together…she’s so observant now…and I think she likes mummy’s voice…”
Dagdag pa niya, “Wait till the end for our new achievement unlocked. Although I feel chamba but still kilig. Ha-ha. Excited to eventually teach her close-open, arimunding-munding and beautiful eyes…”
Sa huli, humingi ng paumanhin si Anne sa mga kaibigan.
“To my friends, this is also why I don’t reply 90% of the time.”