By JUN NARDO
*
ISA si Sharon Cuneta sa sanrekwang pumanig kay Frankie Pangilinan, panganay na anak nila ni Senator Francis Pangilinan, nang buweltahan ito ng veteran journalist na si Ben Tulfo sa pahayag sa Facebook na may halong paninisi sa mga babaing nagsusuot ng seksi dahil inaakit diumano nila ang mga rapist.
Sey ni Ben, “Sexy ladies, careful with the way you dress up! You are inviting the beast.”
Trending ang hashtag na #hija sa Twitter na ginamit ni Frankie sa sagot niya kay Ben na, “Stop teaching girls how to dress! Teach people not to rape.”
Pahayag ni Sharon, “Kahit nakamaong, sweater na turtleneck at makapal na jacket ka pa, kung may masama ang iniisip, masama ang gagawin.
Diin pa ng Megastar, “Parang pedophiles lang. Nananahimik ang mga batang anghel na inosenteng naka-play clothes na di naman long gown o nakabalot pero pinagnanasaan.
“Kung masama ang intension, gagawa at gagawa ng paraan ang kademonyohan ng masama.
“Pero kung matinong tao kahit pa naka-two-piece ka sa beach at dumaan ka sa harap niya, wala lang.”
Isa pa sa pumalag kay Tulfo ay ang Kapuso actress na si Lauren Young na inihayag pa kung paano siya nabastos kahit hindi sexy o revealing ang suot!
Naiyak naman si Frankie nang mabasa ang mga nakiisa sa pahayag niya.
“You’re all so brave and strong and there aren’t words for how deeply I love you,” tweet ni Frankie o Kakie sa mga kaibigan. Tahimik si Ben sa pahayag ng mga kinauukulan as of this writing.