BY RUEL MENDOZA
*
TULOY ang pakikipag-ugnayan ng “iBILIB” host na si Chris Tiu sa Department of Science and Technology (DoST) bilang brand ambassador nito.
Kelan lang ay naglabas ng isang promotional video ang DoST sa binuo nilang sustainable mask na puwedeng gamitin ng maraming frontliners at ng iba pang mamamayan. Ang tawag dito ay REwear mask.
Ayon kay Chris, ang naturang mask ay coated with liquid repellency finish na nagbibigay extra protection sa mga magsusuot nito.
Maaari raw gamitin ang naturang mask ng 50 beses basta sundan lang ang wastong paglilinis dito.
Praktikal daw gamitin ito dahil hindi siya isang gamitan lang tulad ng mga disposable face mask.
“To fight COVID-19 the Philippine Textile Research Institute of the Department of Science and Technology (DOST) created the REwear mask.
“REwear stands for reusable, washable, rewearable products. So, in simple terms Rewear mask is a cloth mask made smart!
“Ordinary face masks made of cloth has the 1st function of protecting us from street pollution. With PTRI’s SmarTex program the fabric used for the face mask is coated with a liquid repellency finish, giving it the 2nd function. It repels liquid droplets that can cause viral infections.”