BY ROWENA AGILADA
*
NAIKUWENTO ni Lauren Young sa “Showbiz Talk Ganern” kung paano siya naging biktima ng pambabastos noon sa Boracay.
Aniya, nasa isang bar-restaurant siya kasama ang ilang kaibigan nang may lumapit sa kanyang isang lalaking lasing.
Maayos naman daw siya nakipag-usap sa lalaki nguni’t bigla raw nito hinipo ang kanyang dibdib.
Agad niyang kinausap ang owner ng lugar na paalisin ang lalaki.
Nagbigay din ng opinion si Lauren tungkol sa rape culture at victim blaming sa parehong panayam. Aniya, hindi raw dapat sisihin ang mga babaeng nagsusuot ng revealing outfits upang mademonyo ang mga rapists. Aniya, dapat ay ma-educate ang mga manyak na ito sa pag-respeto sa mga kababaihan kahit ano pa ang suot nito.
TANGGAP
Sa same na interbyu sinabi rin ni Lauren na tanggap na niya ang itsura niya.
Hindi siya apektado sa mga bodyshamers na tinutukso siyang mataba.
Aniya, wala siyang pakialam sa mga opinyon ng iba.
ITINANGGI
Samantala, itinanggi ni Lauren na buntis ang sister niyang si Megan.
Nagsimula ang tsismis sa isang video post kung saan napansin ng mga netizens na tipong wala sa mood si Megan. Duda nila buntis ito.