BY ROWENA AGILADA
*
AWARE si Harlene Bautista na may bago nang napupusuan ang estranged husband niyang si Romnick Sarmenta.
Aniya sa isang interbyu, mabuti nang pareho silang masaya ni Romnick.
Happy heart din kasi si Harlene na aniya, iba ang tibok ng puso niya ngayon.
“Masayang-masaya,” diin niya.
Maayos ang komunikasyon ni Harlene at Romnick after their separation. Nag-uusap sila para sa kapakanan ng mga anak nila. Tanggap at naiintindihan ng mga ito ang sitwasyon between their parents.
Kung anuman ang dahilan ng kanilang hiwalayan, sa kanilang dalawa na lang ‘yun, ani Harlene.
Bilang producer naman ng Heaven’s Best Productions, aniya, tatlong movie projects nila ang naudlot ipalabas dahil sa pandemic. Isa na ‘yung pinagbibidahan ni Nora Aunor na dapat sana’y kasali sa Summer Film Festival last April.
May pelikula ring dapat ay ididirek ng kapatid niyang si Herbert Bautista.
NAABUTAN
Sa Ontario, Canada inabutan ng pandemic sina Gelli de Belen at Ariel Rivera. Binisita nila ang dalawang anak nilang sina Joaquin at Julio na doon nag-aaral. Parehong college students ang mga ito.
Dahil sa travel restrictions, na-extend ang pamamalagi roon nina Ariel at Gelli.
Doon na nga siya nag-celebrate ng kanyang birthday last May.
Happy ang mag-asawa dahil nagkaroon sila ng quality time with their sons.
TULOY NA
Sa isang QC hotel naka-check-in ang cast ng “FPJ’s Ang Probinsiyano.”
Sa Eugenio Lopez Center sa Antipolo City at sa ABS-CBN sound stage sa San Jose del Monte, Bulacan ang taping.
Sumailalim sa rapid testing ang cast bago simulan ang locked-in taping.