BY ROWENA AGILADA
*
HINDI nagulat si Edu Manzano sa ginawang solo protest ng anak niyang si Enzo sa harapan ng Philippine Consulate sa New York kung saan nagpahayag ito ng saloobin hinggil sa ilang mga isyu sa sariling bansa.
Sa panayam ng “Showbiz Talk Ganern,” sinabi ni Edu na hindi ipinaalam sa kanya ni Enzo ang ginawa nito.
Pero si Enzo daw, kapag may gustong gawin o ipahayag, ginagawa at pinaninindigan nito.
Ani Doods, gano’n niya talaga pinalaki ang mga anak niya (Luis, Enzo at Addi).
Parehong nasa abroad sina Enzo at Addi.
Nagkausap ang mag-a-ama noong nakaraang Father’s Day via Zoom.
Guests ang mga ito sa pilot episode ng online talk show ni Edu na “Good Vibes!”
Nabanggit din ni Edu sa same interview na handa na siyang maging lolo.
Pero ayaw niyang pangunahan kung anuman ang plano ng panganay niyang si Luis at girlfriend nitong si Jessy Mendiola.
Never siyang nakialam sa lovelife ng mga anak. Nakasuporta lang daw siya, ani Edu.
KALADKARIN
Wala pang COVID-19 at bago pinairal ang community quarantine ay mahilig lumabas ng bahay si Edu.
Kaladkarin nga daw siya.
Aminado siyang nanibago siya sa first two weeks ng community quarantine dahil hindi siya sanay na nasa bahay lang.
Aniya, dahil sa lockdown, natuto siyang maging pasensiyoso, mapagpakumbaba at pahalagahan ang kaligtasan ng mga kasama niya sa bahay.
May house rules siyang pinaiiral sa ngayon: dapat ay parating may alcohol, sanitizer, parating malinis ang bahay at iba pang safety measures.