BY RUEL MENDOZA
*
MASAYANG ibinalita kamakailan ng Kapuso actress na si Sheena Halili na siya ay nagdadalang-tao.
Ayon sa aktres, isang buwan matapos silang ikasal ng asawa na si Jeron Manzanero noong February ay agad siyang nabuntis.
“After a month naming kinasal, nagka-baby kami agad. Nagulat nga kami kasi siyempre hindi natuloy ‘yung honeymoon namin. May blessing agad si Lord after nu’ng kasal,” ngiti ni Sheena.
At dahil sa patuloy ang pakikipaglaban natin sa COVID-19 pandemic, hindi maiwasan ni Sheena na maging emotional dahil iniisip niya ang kapakanan at kinabukasan ng kanyang anak.
“Siyempre, hindi mo rin talaga maiwasan mag-worry, iba kasi talaga. Sabi ko kung ako lang, kung tayo lang, kaya natin pero ngayon talagang may baby, sobra talagang mas naging protective kami,” emote ni Sheena na hindi raw lalabas unless importante tulad sa pagbisita sa kanyang doktor.