BY JUN NARDO
*
NABIYAYAAN ng P20,000 each ang pitong jeepney drivers na swerteng masali sa “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga!” kamakailan.
Ilan sa kanila ay mahigit labinlimang taon nang nagmamaneho ng jeepney pero natigil sila sa pagpapasada dahil sa coronavirus.
Isa sa kanila ay dumating sa puntong namalimos na sa kalye para pantawid-gutom dahil nga sa binawalan silang mamasada habang may pandemiya.
Ang isa naman ay nagtinda na ng isda.
Ang isa pa ay magaling dahil napagtapos nito ang isang anak ng engineering at lisensyado na ito sa ngayon, huh!
Ang mga driver ay ang bagong recipients ng “Kabuhayan ni Juan” para makapagsimulang muli dahil wala pang kasiguraduhan kung kailan sila makakapasadang muli.
LOYAL!
Mahigit 20 years nang Kapuso si Dingdong Dantes.
Halos mahigit kalahati ng buong buhay ni Dong ay Kapuso siya.
Markado na sa buhay niya ang pagiging isang Kapuso.
Deklara ni Dingdong, “Lahat ng nakikita ko, kaliwa’t kanan sa bahay, ay resulta at produkto ng pagiging Kapuso ko.
“And not to mention, pati ‘yung asawa ko, na sa Kapuso network ko nakilala. Markado na sa buong pagkatao ko ang pagiging Kapuso!”