BY JUN NARDO
*
KILALA si Heart Evangelista sa angking mamahaling gamit.
Mula sa kanyang sinusuot na damit hanggang sa muwebles ng kanyang bahay ay pawang de-kalidad ang ginagamit ni Heart.
Pero hindi ibig sabihin nito ay wala nang paki ang aktres kung saan nakuha o nabili ang mga ito.
Willing gumamit ng peke si Heart kung kinakailangan, huh!
Napatunayan nga ito nang pansinin ng isang follower niya sa social media ang kuha ng lamesang may mga paang tila gawa sa elephant tusk sa bahay niya.
Nang tanungin kung totoo ito, tugon ni Mrs. Escudero, “No way. Not real.”
Siyempre, alam ng Kapuso actress na may batas na nagbabawal ng pagbili o pagggamit ng totoong tusk ng elepante.
Kasama ni Heart sa picture ang asawang si Governor Chiz Escudero na muli niyang nakasama matapos ang ilang buwan.
Nanatili kasi Gov. Chiz sa Sorsogon upang tingnan ang nasasakupang probinsiya.
Naiwan si Heart sa Manila kung saan naging abala rin ito sa kanyang mga charitable efforts.
Samantala, sa hiwalay na post, inanunsyo ni Heart ang launching ng “Big Heart PH,” na aniya “A project that will help equip students in need with tools for them to be able to continue their education.”
Pakli niya, “I know this little project of mine will not be able to help everyone, but I know it will change the lives of those we are able to.”
Pinusuan ng fans ang post na ito ni Heart.