BY MELL NAVARRO
*
OFF the air na rin ang Kapamilya channels na umeere sa pamamagitan ng TV Plus.
Ito ay dahil na rin sa bagong cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).
Mula noong gabi ng June 30, wala na sa ere ang Teleradyo, Jeepney TV, Yey!, Asianovela Channel, CineMo, at KBO – mga channels na mapapanood sa TV Plus.
Matatandaang inilipat sa Teleradyo/Cinemo ang “TV Patrol” and “It’s Showtime” noong nawala sa ere ang Dos. Pero ilang linggo nga lamang nagtagal ito.
Marami pa sanang shows ang ililipat ng pamunuan ng Kapamilya Network sa digital domain.
Pati ang “Ang Probinsiyano” ni Coco Martin ay mag-iipon na sana ng new episodes para sa binabalak na pag-resume nito sa ere.
Pero ito nga at matapos ang super habang Congressional hearing, dumating ang hatol na ito.
Hindi pa rin sumusuko sa laban ang ABS-CBN.
May nakaambang petition ang network sa Korte Suprema.
Kinukuwestiyon nito ang CDO ng NTC at umaasa silang madedesisyunan ito sa lalong madaling panahon, in their favor.
Anyway, for Sky Cable subscribers, nandoon pa rin ang Kapamilya channels.
Ang iWant streaming service ng network is still on naman.
Pero yun na nga, isang dagok na naman ito para sa ABS-CBN na umaming milyon-milyon na ang nawawalang kita mula nang ipasara ito ng NTC.