BY ALEX CALLEJA
*
ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
*
Hi Alex,
Nabasa ko sa balita na tuwang tuwa si Secretary Harry Roque dahil hindi umabot sa 40,000 ang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas bago matapos ang month of June. Natutuwa siya kasi hindi natupad ang prediction ng University of the Philippines. Ano bang masasabi mo dito, Tito Alex?
Espie ng Marinduque
Hi Espie,
Kumusta dyan sa Marinduque Espie. Ang masasabi ko eh di – CONGRATULATIONS! At least may na-achieve tayo ngayong buwan. Ang hindi umabot ang COVID-19 count sa 40,000. Umabot lang 36,000 plus. Hayaan na natin na magsaya si Secretary Roque, bigay na natin sa kanya ‘yan! ‘Wag lang sana may awarding, ‘yan ang over na! Month of July na, harapin natin ito with good vibes! Ang masasabi ko lang kay Secretary Roque dahil panalo siya versus UP – bigyan ng jacket ‘yan!
*
Hi Alex,
Nabalitaan ko na paiimbestigahan daw ng Pangulo ang J & T. Madalas akong magpadala gamit ang J & T kaya medyo interesado ako dito. Ano ba ang nagawa nila para paimbestigahan?
Zeny ng Divisoria
Hi Zeny,
Ang issue sa J & T Express Delivery ay nagsimula ng may kumalat na video na may mga tauhan ang nasabing delivery service na hindi inaayos ang pagsakay ng mga packages sa kanilang delivery van or truck. Sobrang linaw ng video at talagang makikita mo na hinahagis ang mga packages. Kung may babasagin dun or fragile, wasak o sira ang packages mo! Kaya papaimbestigan ito ng pangulo. Nabalitaan nga ng may-ari ng J & T Express Delivery eh kaya nagdabog ito at pinaghahagis ang mga gamit nila sa bahay! Ay oo nga pala! Lilinawin ko lang, J & T Express delivery po ang paiimbestigahan hindi po ang JT’s manukan kaya relax lang kayo!
*
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] or facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007.