BY ROWENA AGILADA
*
HINDI na nagulat ang karamihan ng malaman na five months preggy na ang seksing aktres na si Ryza Cenon.
Inanunsyo kamakailan sa social media ng dalaga ang kanyang pagbubuntis with matching studio portraits.
Bago ito, nag-post muna siya nang isang litrato kung saan makikitang nagpagupit ito ng napaka-iksi.
Sa kanyang big reveal, sinabi ni Ryza na ang pagbubuntis ang dahilan ng kanyang pagpapagupit. Naglalagas daw kasi ang buhok niya kapag naliligo siya. Ang tanong, sino ang ama ng bata?
Tahimik pa sa ngayon si Ryza tungkol dito.
*
MALAPIT NA
Magbabalik-taping na ang ilang programa ng GMA7. Inaayos na lang ang safety measures para masiguro ang kaligtasan ng mga artista at production staff.
Balita namin ay nagre-rehearse na ang ilang cast members ng “All-Out Sundays.” ‘Yung ibang kasali’y magla-live show sa studio at ‘yung iba nama’y via zoom ang appearance.
Nakatakdang magbalik sa ere ang “AOS” on July 12.
Magbabalik-taping na rin ang “Magpakailanman” at “Mars.”
Ibabalik din ang “Wish Ko Lang” ni Vicky Morales at tsutsugihin na ang “Ilaban Natin ‘Yan.”
Nothing is definite kung ibabalik ang “Centerstage,” hosted by Alden Richards dahil mga bata ang contestants. Siyempre, naka-quarantine pa ang Metro Manila at bawal pa lumabas ang mga bagets.
Baka raw ang “The Clash” na ongoing na ang auditions ang ipalit sa “Centerstage.”
*
SWEET
Super sweet si Tom Rodriguez kay Carla Abellana sa recent YouTube vlog nila.
Panay ang halik ni Tom sa balikat ng girlfriend habang ipinapakita nito sa fans ang throwback photos ni Carla kasama sina Lea Salonga, Vina Morales at Geneva Cruz. Kuha daw yun sa isang event noong nasa grade school si Carla.
THANK YOU
On a personal note, thank you sa Kapuso Network sa ipinadala nilang GMA Affordabox bilang anniversary gift.
Happy 70th anniversary!