BY ROWENA AGILADA
*
NAKA-plunging red outfit na litaw ang cleavage noong nag-guest si Geneva Cruz sa “Tutok to Win (Wowowin).” Habang iniinterbyu siya ni Willie Revillame ay agaw-pansin sa TV host ang revealing outfit niya.
“Ang ganda ng suot mo. Sana laging ganyan ang suot mo,” sey ng TV host.
“Huwag kang mag-alala. May alambre ‘yan. Hindi lalabas,” ani Geneva na na-conscious yata kaya itinakip niya ang mahabang buhok sa kanyang harapan.
Aniya, kamakailan lang siya dumating sa Pilipinas. Six years siyang namalagi sa America at for good na ang pagbalik niya sa Pilipinas.
Maganda sigurong magkaroon ng online concert ang magpipinsang Geneva, Sheryl, Sunshine at Donna Cruz matapos ang kanilang musical collaboration kamakailan. Isama na rin ang magkapatid na Rodjun at Rayver Cruz pati na ang kanilang Uncle Tirso Cruz III.
SANIB-PUWERSA
Sanib-puwersa ang ilang Kapuso stars sa pagtulong kay Super Tekla para sa operasyon ng kanyang anak na ipinanganak na walang butas ang puwet. Nagkaroon sila ng online fund raising concert, “One Heart for Baby Angelo.”
Ilan sa performers ay sina Julie Anne San Jose, Christian Bautista, Ken Chan, Rita Daniela, Kyline Alcantara, Kristoffer Martin, Edgar Allan Guzman, Betong Sumaya, Myrtle Sarosa, atbpa. Sina Glaiza de Castro at Boobay ang hosts.
Nagbigay na rin ng tulong ang GMA executives, sina Senators Bong Revilla at Bong Go, Willie Revillame na muling pinababalik si Super Tekla sa “Wowowin.”