BY DANTE A. LAGANA
*
ANG lakas maka-wow ng Kapuso singer-actress na si Glaiza de Castro nang magtampisaw sa dagat sa Baler, Aurora at mag-surf. Kasalukuyang nasa probinsiya pa rin nila ang pamilya ni Glaiza magmula pa nung ni-impose ang quarantine sa iba’t-ibang parte ng bansa.
Two-piece kung two-piece suot ang kanyang dilawang swimsuit na binandera niya habang humahampas-hampas ang alon ng dagat. Napaka-hot nga ni Glaiza sa kanyang kurba at well-toned body na ipinost niya sa kanyang Instagram na tila pinagmamalaki habang nakangiting umaawra.
Ayon pa sa aktres, natural pose daw ang kuha niya nang kanyang sagutin ang isang netizen sa comment na, “Gusto ko yang pa #influencer tangga pose.” Well, obviously hindi nga naman basta pina-pose lang si Glaiza kundi naaayon ito sa kanyang gusto.
Hindi naman nabigo si Glaiza sa kanyang paandar dahil marami ang nakapansin at pinusuan ang naturang larawan. Kabilang dito ang kanyang mga kapwa celebrities na sina Kakai Bautista, Betong Sumaya, Maxene Magalona, Derrick Monasterio, Jona, Arra San Agustin at iba pa.
Hindi na nga pala kasama ni Glaiza ang Irish boyfriend na si David Rainey dahil balitang nakabalik na ito sa Ireland last June.