BY MELL T. NAVARRO
*
MULA nung pumutok sa netizens ang online Pinoy BL (boys love) series ay marami nang fans, lalo na ang members ng LGBT community sa Pilipinas, ang “kinikilig” sa romance online stories sa pagitan ng dalawang lalaki.
Pinakabago dito ang “In Between (Sa Pagitan ng Kamusta At Paalam).” Bida ang mga guwapong newcomers na sina Migs Villasis, 23, basketball hottie from Letran and Trinity College; at si Genesis Redido, 22, volleyball cutie naman from UST.
Pinaghalong tamis at pait ng pag-ibig ang pangakong handog ng Pinoy BL series na ito na nagsimula nang mag-stream sa USPH TV channel ng YouTube.
Mula sa pagiging hotties ng sports, paano napapayag sina Migs at Genesis na sumabak sa BL series bilang una nilang project as lead actors? Hindi ba sila nagdalawang isip na baka pagdudahan ang kanilang gender?
Sagot ni Migs, “Marami akong LGBT friends at nakarinig ako ng maraming love stories nila. May nakakaawa, nakakatawa, nakakakilig. Agad naman akong nag-yes, dahil wala naman akong dapat na ikatakot o ikahiya dahil series o fiction lang ito.
“Nakapanood rin ako nung ‘Together’ (Thai BL series) dahil na rin sa tip ni Direk Briliant (Juan). Umingay ang BL… series sa Pilipinas, kaya na-curious ako. Kilala ko naman ang sarili ko rin.”
Tugon naman ni Genesis, “Pinag-isipan ko itong mabuti dahil iba ang mundo ng sports and showbiz. Pero ang ginagawa nga namin is hindi naman true-to-life kundi drama lang, na close to reality.
“Hindi kasi ito ‘yung typical na kilig-kilig lang. So, challenge accepted sa akin ito dahil may ‘trans’ akong kapatid. Ate ko siya. Parang tribute ko na rin ito sa kanya dahil iba rin ang suporta niya sa akin.”
Ayon kay Direk Briliant, pre-covidpa…lang pala ay sinimulan na ila ang shoot na una’y dapat bilang isang short film lang ito, hanggang sa naisip nilang gawin nang online series.