BY RUEL J. MENDOZA
*
Isa sa pinagkakaabalahan ngayon ni Heart Evangelista-Escudero bukod sa pagtulong sa maraming nangangailangan ay ang kanyang upcoming home décor line na ang pangalan ay Maison Love Marie. ibibida rito ng Queen of Creative Collaborations ang handcrafted products mula sa Sorsogon.
Sa Instagram account nga ni Heart ay naka-post ang mga magagandang produkto ng Sorsogon na puwedeng gawing decor sa bahay.
Paraan ito ni Heart para ma-promote ang mga magaganda at matitibay na indigenous products ng Sorsogon na taglay ang sarili niyang artwork.
Bukod din sa mga damit, bags, at gadgets tulad ng powerbank, makikita ngayon ang artwork ni Heart sa wearable air purifiers.
Ibinalita ito ni Heart sa kanyang IG account kalakip ang kanyang larawan na suot ang personal air purifier na mabibili online.