BY ALEX CALLEJA
*
Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
*
Hi Alex,
Madaming mga nagreklamo ng hindi pinayagan ang mga motor na may angkas. Kasama na dito ang kapitbahay ko. Ang gusto kasi ng gobyerno ay wala dapat angkas kahit kayo ay nakatira sa isang lugar tulad ng mag-asawa. Madami ang umalma kaya naman madami ang natuwa nang finally ay puwede na ang angkas sa motorsiklo basta mag-asawa. Dapat lang patunayan mo na mag-asawa kayo. Eto ngayon ang problema ng kapitbahay namin, nawawala ang marriage certificate niya kaya hindi pa rin siya maka-angkas sa asawa niya. Anu-ano ba ang puwedeng ipakita bukod sa marriage certificate?
Iking ng Sto. Tomas, Batangas
Hi Iking,
Naku, mahirap ‘yan! Kailangan niya kumuha ng bago. Puwede naman makakuha sa NSO para sa panibagong kopya. Ngayon kung wala talaga, panalangin ng kapitbahay mo na puwede silang magpakita ng pruweba. Puwedeng wedding ring o kaya wedding album. Puwedeng kunin nila ang number ng pari na nagkasal sa kanila para pag may sumita eh patawagin kay father. Puwede naman gawin na lang ng enforcer eh sample ng pagiging mag-asawa nila. Hanggang halik lang syempre at pagiging sweet. Pero sa totoo lang, sa kilos pa lang malalaman mo kung mag-asawa eh. ‘Yung upo ng babae eh nakaharap sa driver, mag-asawa ‘yun. Kapag nakatagilid, ibig sabihin eh mag-syota pa lang ‘yun!
*
Hi Alex,
Last July 10 eh tuluyan nang hindi naaprubahan ang franchise ng ABS-CBN Tito Alex. Daming natuwa nang magsara. Daming bashers at trolls ang talaga namang masayang-masaya at napasara na ang franchise niyo Tito Alex. OK lang Tito Alex, hanap ka na lang ng ibang trabaho. Sa GMA Kapuso ka na lang lumipat! Oo nga pala, ano po bang balita sa inyo at sa istasyon niyong ABS-CBN?
Rannie ng Dagupan
Hi Rannie,
Anong balita? Eh di ba napasara nga kaya wala ng balita!
*
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] or facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007.