BY JUN NARDO
*
PUMANAW na ang singer-comedian na si Kim Idol o si Michael Argente sa tunay na buhay matapos ma-coma nang maputukan.
Nang magkaroon ng pandemya at nagsara ang comedy bars, nag-volunteer si Kim bilang isa sa frontliners ng Bureau of Quaratine. Na-assign siya sa Philippine Arena sa Bulacan.
Nagdadalamhati ang kapwa niya komedyante at kasamahan sa trabaho sa pagpanaw ni Kim.
Bago namatay, binigyan siya ng saludo ng mga sundalo, doctors, nurses at frontliners ng Bureau of Quarantine bilang pagpupugay sa apat na buwang paglilingkod sa mga COVID-19 patients.
Isa sa lubos na nalungkot ay si Allan K na bilib sa husay at talino ni Kim.
“You were one of the best talents Kownz and Zirkoh have ever had. One of the funniest on and off stage. You will always be remembered by people whose lives you touched through comedy.
“Rest in peace Kim Idol. We will miss you,” saad ni Allan sa kanyang Instagram.
Ang aming pakikiramay sa mga naiwan ni Kim Idol…