BY JOJO PANALIGAN
*
Kapuso actor Jak Roberto ang bibida sa life story ni DJ Loonyo sa Sabado sa “Magpakailanman.”
Si Loonyo ay nakilala sa galing sa pagsayaw sa mga videos niya na nag-hit nung simula ng pandemic. Lalong umugong ang pangalan niya matapos ma-link sa social media darling na si Ivana Alawi.
Si Jak naman ay lalong bumango ang pangalan sa “Meant To Be” kung saan naging leading lady niya si Barbie Forteza na ngayon nga ay nobya niya na. Isa ding matagumpay na YouTuber si Jak.