BY JUN NARDO
*
Kinuyog ng trolls/bashers ang former Quezon City Mayor Herbert Bautista sa Facebook kaugnay ng isang paalala post niya sa COVID-19.
Bahagi ng post ni Herbert, “Common sense is not a symptom of COVID-19, it is the reason you got the disease.”
Umiral ang kawalan ng alam ng mga trolls/bashers sa context ng pahayag ni Herbert. Binanatan siya na inakalang pinatutungkulan sa post ang mga frontliners, huh!
Naku, si HB ang unang-unang sumusuporta sa frontliners. Nagpatayo siya ng ospital at pinaayos ang mga ito na ginagamit ngayon ng mga may COVID.
Saka, isa ring frontliner si HB dahil reserved general siya ng Armed Forces of the Philipines, ‘no?
Pasimple nga siyang tumutulong sa mga biktima ng pandemya na hindi niya inilalabas sa social media, huh!
Kaya unfair kay HB na sabihing minamaliit niya ang mga frontliners. Saka wala siyang bayarang trolls para manira ng ibang tao!
Ayaw ng stress ni Herbert kaya bukod sa tahimik na pagbigay ng ayuda, pinagkakaabalahan niya ngayon ang mag-painting at manood ng Koreanovelas gaya ng “The World of Married Couple,” “Vagabond” at ang napapanood ngayon sa GMA na “Misty!”