BY JUN NARDO
*
Lesbian ang anak ng komedyanteng si K Brosas, si Crystal.
Inilantad ni Crystal ang sexual preference niya sa eve ng kaarawan ni K na ibinahagi ng huli.
“Ako po si Crystal and I’m a lesbian. I am gay,” saad ni Crystal sa harap ng kamera.
“Sa mga nagtatanong, matagal ko na pong alam. High school pa lang, alam ko na bilang nanay.
“Wala akong galit, wala akong buwisit, tinatanggap ko,” bahagi ng pahayag ni K sa video na mangiyak-ngiyak.
*
Lumarga na ang Kapuso drama anthology na “Magpakailanman” para mag-taping ng bagong episode matapos matengga dahil sa pandemya.
Ang buwena-manong handog ng MPK ngayong Sabado sa tinatawag na new normal, ay ang kuwento ng buhay ng viral sensation na dance-choreographer na si DJ Loonyo, huh!
Yes, si Loonyo na batbat din ng kontrobersiya nang maging viral sensation tungkol kay Ivana Mulawi at mass testing!
Alamin ang kuwento ng buhay ni Loonyo na si Rhemuel Lunio sa totoong buhay at tubong Cagayan de Oro na gagampanan ni Jak Roberto.